Lunes, Marso 20, 2023

HOW TO JOIN MAPAKALAMIDAD.PH

Ano nga ba ang Mapakalamidad.ph?

Ito ay isang free web-based, open-source platform na ginagamit ang kapangyarihan ng social media kapag mayroong emergency events sa kasalukuyan na naglalayong magbigay ng updates para sa mga residente. Ito ay pinapatakbo ng Yayasan Peta Bencana, bilang isang libre at transparent na plataporma para sa agarang tugon at pamamahala ng kalamidad sa mga megacities sa Timog at Timog-silangang Asya. Ang plataporma ay ginawa posible sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ilang mga partners: Kanino ito magkakaroon ng benefits? Dahil ito ay isang libre at open-source web platform , mayroong kakayahan ang lahat ng ordinaryong residente, disaster managers at emergency respondents na gamitin ito at inspeksyunin. Bakit ito ay mahalaga? Para magkaroon ng pagbibigayan ng inpormasyon at na-ooras na koordinasyon sa mga residente at ahensya ng gobyerno. Tumotulong ito para magkaroon ng demokratikong pagpapasya ng kagamitang pantulong at pinapataas ang kaligtasan at katatagan ng pagkakaisa.     Ang MapaKalamidad.ph ay nagtitipon, nag-aayos, at nagpapakita ng datos gamit ang CogniCity Open Source Software na isang plataporma para sa agarang tugon at pamamahala ng kalamidad na ginagamit anf ingay ng social at digital na media sa kritikal na impormasyon para sa mga residente, mga komunidad, at mga ahensya ng gobyerno. Ang plataporma ay isinasatupad ang kasabihang "people are the best sensors" kung saan ang pinagtibay na ulat ay kinokolekta direkta mula sa mga gumagamit sa daan upang iwasan ang mga hindi mabisang pamamaraan ng pagkolekta at pag proseso ng datos. Ang framework na ito ay lumilikha ng tumpak at real-time na datos na ginawa para sa mga gumagamit, lalo na sa mga first responders.     Ang website na ito ay ginawang posible sa tulong ng mga mamamayang Amerikano sa pamamagitan ng ahensya ng Estados Unidos para sa pandaigdigang pag-unlad. Ito ay hindi isang opisyal na USAID o U.S. Government website. Ang mga nilalaman ng website na ito ay tanging responsibilidad ng mga may-akda at hindi sumasalamin sa mga pananaw ng USAID ng pamahalaan ng Estados Unidos. Paano gumawa ng ulat para sa BAHA? • Pumili ng platform kung saan mag-uulat : I. Mag-ulat gamit ang Twitter: 1. I-tweet ang @mapakalamidad gamit ang #baha 2. Ang @mapakalamidad ay magpapadala sayo ng isang link para maipasa mo ang iyong ulat 3. Buksan ang link at sundin ang mga instruksyon para mailagay ang lokasyon, larawan at deskripsyon. 4. Ang @mapakalamidad ay tutugon sayo kasama ang link para sa iyong ulat. 5. Puntahan ang https://mapakalamidad.ph/ para sa napapanahong impormasyon tungkol sa kalamidad.
II. Mag-ulat gamit ang Telegram: 1. Hanapin ang @kalamidadbot 2. Pindutin ang “Get Started” at piliin ang kalamidad na gusto mong i-ulat 3. Ang @kalamidadbot ay magpapadala sayo ng isang link para maipasa mo ang iyong ulat 4. Buksan ang link at sundin ang mga instruksyon para mailagay ang lokasyon, larawan at deskripsyon. 5. Ang @kalamidadbot ay tutugon sayo kasama ang link para sa iyong ulat. 6. Puntahan ang MapaKalamidad.ph para sa napapanahong impormasyon tungkol sa kalamidad
III. Mag-ulat gamit ang Facebook: 1. Hanapin ang @mapakalamidad sa Facebook Messenger 2. Pindutin ang “Get Started” at piliin ang kalamidad na gusto mong i-ulat 3. Ang @mapakalamidad ay magpapadala sayo ng isang link para maipasa mo ang iyong ulat 4. Buksan ang link at sundin ang mga instruksyon para mailagay ang lokasyon, larawan at deskripsyon. 5. Ang @mapakalamidad ay tutugon sayo kasama ang link para sa iyong ulat. 6. Puntahan ang MapaKalamidad.ph para sa napapanahong impormasyon tungkol sa kalamidad.
IV. Iulat sa Web 1. Buksan ang MapaKalamidad.ph sa iyong browser 2. I-click ang icon na i-uulat sa kaliwang itaas ng pahina at piliin ang kalamidad na i-uulat 3. I-click ang Report Disaster at sundin ang mga instruksyon para mailagay ang lokasyon, larawan at deskripsyon. 4. Puntahan ang MapaKalamidad.ph para sa napapanahong impormasyon tungkol sa kalamidad. PALATANDAAN : Baha – ang mga report ay aktibo sa loob ng 2 oras. • I click ang “ULAT” or “REPORT” button. • I click ang link na binigay ng chatbot • Ikumpirma ang iyong lokasyon • Piliin ang taas ng baha • Pumili ng litrato na I aaploud patungkol sa baha • Idescribe ang situation • Isubmit ang Report




Satellite and Weather Indicator