Huwebes, Mayo 7, 2020

TESDA Online Program

Tesda Online Program (TOP) ay isang open na educational resources na naglalayong magbigyan ng teknikal na edukasyon at mapaunlad ang kasanayan ng mga Pilipino. Ito ay libre gamit ang teknolohiya at nagbibigay din ng certificates bilang patunay na natapos mo ang kurso. Nakakatulong din ito upang mabawasan ang gastos ng nais magkaroon ng National Certificates.

Paano gumawa ng account:

1. Ilagay sa browser ang kanilang official website na https://www.e-tesda.gov.ph.
2. I-click ang Login hyperlink sa itaas na bahagi ng website.
3. Magdidirect ito sa Login page. Sa column ng "Is this your first time here?”, I-click ang New Account hyperlink.
4. Sagutan ang form at pagtapos na I-click ang "Create my new account” button.
5. Pagkatapos mag-create ng account, hintayin ang verification message na mag-sesend sa inyong email address. Ang email na ito ay may link para na-activate ang inyong account, kailangang I-click ang link na ito upang ang account ay maactivate.


Pagpili ng Kurso:

1. Mag-Login sa TOP Website gamit ang inyong username at password.
2. Sa TOP front page, I-click ang ang available na courses na gusto nyo eenroll.
3. Next, I-click ang module ng course.
4.Sa kaliwang part ng navigation pane at ibabang bahagi ng administration panel, I-click ang link na
“Enrol me in this course”.


Sample Certificates:



Email: tesdaonlineprogram@tesda.gov.ph

Tel. No.: (+632) 893-8297

Satellite and Weather Indicator